Abante Tonite Interactive

PSE pasok sa P700M stock scam probe

226

Tatlo na ang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagbagsak ng R&L Investment Inc., ang stock brokerage na nagsara nitong November nang mabu­lalas ang pagnanakaw sa mga stock ng mga kli­yente nito.

Ayon sa kay Capital Markets Integrity Corp. president Daisy Arce, iniimbestigahan rin ng Phi­lippine Stock Exchange (PSE) ang pangyayari kung saan nakulimbat ng isang empleyado nito ang may P700milyong stocks na hiwalay na imbestiga­han ng CMIC at ng Securities and Exchange Commission.

“The Philippine Stock Exchange is conducting a parallel examination of brokers,” sabi ni Arce sa kanyang update nitong November 29, 2019.

Ang CMIC ang nagpupulis sa mga stock broker at nagsasagawa ito ng special audit sa libro at records ng R&L pati na sa libro ng Venture Securities Inc. ni STI chair Eusebio Tanco kung saan ibi­nenta ang mga stocks na ninakaw sa mga kliyente ng R&L.

Si Tanco ay kasaluku­yang director ng PSE.
“Upon the conclusion of its special examination of the said trading participant, CMIC, in accordance with the substantive and procedural rules, shall submit its findings for resolution and imposition of the appropriate disciplinary actions on the responsible persons and/or entities, as warranted by the facts and records,” sabi ni Arce tungkol sa special audit sa Venture Securities.

Nagsasagawa ang CMIC ng special audit ng libro ng R&L and Venture Securities at isusumite nito ang report sa SEC.

Kasama sa isusumite sa SEC ang mga rekomendasyon nito magsasamap ng kasong kriminal at administratibo at kung kanino, kung kakaila­nganin.

“CMIC is mindful of its principal mandate to enforce the securities laws and to protect the inte­rests of the investing public. CMIC reassures the market participants and the investing public that the integrity of the market is maintained and the risk to the investing public is minimized, if not eli­minated, by ensuring that the trading participants adhere to all pertinent regulatory requirements,” dagdag ni Arce. (Eileen Mencias)