Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSE pinagmulta Asian Terminals ni Tanco

0 80

Pinatawan ng multa ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang Asian Terminals Inc. (ATI) ni Eusebio Tanco dahil sa paglabag umano nito sa disclosure rules o patakaran tungkol sa pag-aanunsiyo ng transaksyon ng mga director at opisyal ng kompanya.

Inanunsiyo ng PSE na pinagmulta ang ATI dahil sa paglabag sa Section 13.1 ng mga panuntunan nito tungkol sa disclosure o pagsisiwalat ng pagbili o pagbenta ng shares ng kompanya ng mga director nito o opisyal.

Nauna rito ay umatras si Tanco sa pagtakbo bilang director ng PSE ngayong Hulyo at hahayaan na ng PSE na bakante ang posisyon hanggang sa susunod na halalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umatras si Tanco matapos ang anunsiyo ng Securities and Exchange Commission (SEC) na pinagmulta nito ang Venture Securities Inc., ang stock brokerage ni Tanco, kasabay ng pagbawi ng lisensiya nito.

Pinagmulta at binawian ng lisensiya ang Venture Securities dahil sa papel umano nito sa nangyaring nakawan sa shares ng stock ng mga kliyente ng R&L Investments Inc. na naging dahilan ng pagbagsak nito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.