Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSG abangers sa COC filing ni Duterte

0 118

Hindi pa masabi ng Presidential Security Group (PSG) kung personal na magtutungo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) si Pangulong Rodrigo Duterte para mag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise presidente sa darating na halalan.

Sinabi ni PSG chief Col. Randolph Cabangbang na wala pang abiso sa kanila ang core group na nakatoka sa mga aktibidad ng Presidente. Pero pumunta man o hindi ang Pangulo sa Comelec office ay palagi aniyang nakahanda ang PSG para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duterte.

Sa kabila ng polisiya na isa lamang ang puwedeng kasama ng isang kandidatong maghahain ng kandidatura sa loob ng Comelec office, sinabi ni Cabangbang na Presidente ng bansa ang maghahain ng COC kaya mandato ng PSG na tiyakin ang seguridad nito.

Nakipagpulong na aniya sila sa mga opisyal ng Comelec at sinabing huwag nang problemahin ang seguridad ni Pangulong Duterte dahil ang PSG na ang bahala rito. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.