Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSG commander na-wow mali sa bakuna ni Digong

0 118

Nilinaw ng Malacañang na hindi pa natuturukan ng ikalawang bakuna si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19.

Kasunod ito ng naunang pahayag ni Presidential Security Group (PSG) commander Brig. Gen. Jesus Durante III na nakatanggap na ng kanyang second dose ang Pangulo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nabigyan ng maling impormasyon ang PSG chief ng kanyang medical staff kaya inakalang natapos na ang ikalawang bakuna ng Pangulo.

Inamin aniya ng PSG chief ang pagkakamali at humingi na ito ng dispensa sa maling naibigay na impormasyon.

“Gen. Durante has admitted, apologized and rectified his earlier remarks. We hope this clarifies the matter,” dagdag ni Roque.

Unang nabakunahan si Pangulong Duterte ng kanyang unang dose laban sa COVID-19 noong Mayo 3 gamit ang Sinopharm vaccine.

Sa isang panayam sa PTV-4 nitong Biyernes ay inihayag ni Durante na naturukan na umano ng pangalawang bakuna ang Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.