Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSG didikdikin sa COVID bakuna

0 93

Ni Nancy Carvajal

Inatasan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) para siyasatin ang isyu ukol sa mga nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 na hindi aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA).

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, kapag mayroong nakalap na ebidensya ay maaaring sampahan ng kaso ang mga sangkot sa hindi awtorisadong pagturok ng bakuna.

“If the NBI finds sufficient factual basis to file a complaint the DOJ will conduct the appropriate preliminary investigation and file a case in court, if probable cause has been established,” pahayag ni Guevarra.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Guevarra, noong Lunes niya inatasan si NBI Officer-In-Charge Eric Distor para magsagawa ng imbestigasyon ukol sa posibleng mga paglabag sa batas kaugnay ng mga hindi rehistradong COVID-19 bakuna sa bansa, partikular ang FDA Act, Consumer Act, at ang Medical Practice Act.

Inihayag pa nito na may otoridad din ang NBI kung sino ang iimbestigahan at kabilang dito ang Presidential Security Group matapos aminin ni Gen. Jesus Durante na nagpaturok ng COVID bakuna ang ilan sa kanyang mga tauhan noong Setyembre at Oktubre.

“I will leave the manner of investigation to the NBI,” tugon pa ni Guevarra sa tanong kung kasama sa imbestigasyon ang PSG.

Una nang napaulat na may mga nagbabakuna kontra COVID sa Binondo, Maynila. Nabunyag din na may ilang miyembro ng gabiente ang nabakunahan na rin laban sa coronavirus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.