Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSG pamilya ililibre ng Sinopharm bakuna

0 41

Kalahati o 50% ng 10,000 dose ng Sinopharm bakuna laban sa COVID-19 na nakalaan para sa Presidential Security Group (PSG) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ibibigay sa kanilang mga asawa at iba pang close contact, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ito ang dahilan kaya pinayagan o binigyan ng compassionate special permit (CSP) ang PSG na makakatanggap ng 10,000 dose ng donasyong bakuna.

Nabatid na may 2,000 ang miyembro ng PSG na nagbibigay ng seguridad kay Pangulong Duterte.

“Yong kalahati for the actual PSG members and the other half would be for close contacts of the PSG members meaning, of course, `yong asawa. Siyempre pag-uwi niya sa bahay `yon `yong kasama niya,” paliwanag ni Domingo kung bakit bibigyan din ang mga asawa ng PSG.

Nabatid na ang 10,000 dose ay kasya na sa 5,000 katao. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.