Abante Tonite Interactive

PSI tutuklas ng bagong Buhain, Thomson

By
224

Mas maraming Joseph Eric Buhain at Gillian Akiko Thomson-Guevara sa 30th Southeast Asian Games 2019, mas makabubuti sa kampanya ng Team Philippines sa nakatakdang biennial meet.

Ito ang misyon na nais maisakatuparan ng mga opisyal ng Philippine Swimming Inc. (PSI), sa pangunguna ni SEAG multi-titled at Olympian Buhain sa idaraos na National Open tryouts.

Papailanlang ang SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Dis­yembre 11 sa Manila, Subic at Clark Freeport.

“We have to get the best swimmers to represent the country in the SEA Games. Magagawa natin ito sa open tryouts,” pahayag ni Buhain sa kanyang pagbisita kahapon kasama si National coach Carlos ‘Pinky’ Brosas at SEAG Chef De Mission Monsour del Rosario sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“The (SEA Games) clock is ticking. We have to come together and work together to bring the best for the country,” dagdag Buhain, dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusement Board (GAB).

Pinanapos niya na bukas simula ngayon ang PSI website, gayundin ang Facebook account kung saan puwedeng magpalista ang lahat ng mga Pinoy swimmer at foreign breed Pinoy, gayundin ang mga coach at trai­nor ng lahat ng swimming club at samahan sa bansa.