Abante Tonite Interactive

PSL: Aganon siga ng Foton

By
0 164

Magandang simula ang pinapakita ngayon ng Foton Tornadoes Blue Energy kahit wala ang 2 nitong superstar na magkapatid na Dindin Mana­bat at Jaja Santiago.

Minarkahan ng Foton ang ikatlong sunod na panalo sa Philippine Superliga All-Filipino Conference matapos padapain sa apat na set ang Sta. Lucia Lady Realtors, 25-14, 25-21, 19-25, 25-13, Huwebes sa FilOil Flying V Centre.

Muling inasahan ni coach Aaron Velez sina Mina Aganon na pumalo ng 19 na puntos sa likod ng 17 attacks at Arriane Layug na may 17 puntos, sa likod ng 15 attacks at dalawang aces.

“I’m really happy, sa­tisfied but not yet contented because day to day ‘yung nakikita ko sa personality nu’ng mga bata, slowly maganda na ‘yung response,” wika ni coach Velez.

Tangan ang kumpiyansa dahil angat ng dalawang sets, bigo pa rin ang Foton na masel­yuhan ang laban sa tatlong set at nasungkit ito ng Sta. Lucia para mai­puwersa ang fourth set.

Sa pagpasok ng fourth set, dito muling bumangon at bumawi ang Foton at dinomina nang husto ang Sta. Lucia dahil sa maganda nitong services at plays na nagpatumba sa kalaban.

“I think it’s also a good test also for us how we can able to come back after a down set. We just trained about two months, so we’re still looking for the good chemistry,” dagdag nito.