Abante Tonite Interactive

PSL ALL-STARS ISANG BUWAN MAGHAHASA

104

Sa Sept. 15 ay magda­ratingan na sa bansa sina Japanese coach Shin Taka­hashi at pitong imports na isasahog sa ­Philippine Superliga All-Star squad na isasabak sa FIVB Women’s Club World Championship.

Bago ang siklab ng torneo sa Mall of Asia Arena mula Oct. 18-23, may isang buwan na sasana­yin ni drillmaster Takahashi ang PSL All-Stars.

Locals ni Takahashi sina Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga ng RC Cola-Army, Kim Fajardo at Mika Reyes ng F2 Logistics, Frances Molina at Jen Reyes ng Petron, at Jaja Santiago ng Foton.

Ayon kay PSL presi­dent Ramon ‘Tats’ Suzara, mapapalaban ang All-Stars sa matitinding teams mula Brazil, Turkey, Japan, Switzerland, Italy at Thailand.

Mabibili na sa www.smtickets.com ang ­tickets sa torneo na nagkakahalaga ng mula P215 sa general admission hanggang P5,350 sa VIP courtside. Available din ang season passes sa ha­lagang P10,700.

Haharapin ng PSL Manila sina Gabi, Juicely at Anne Bujis ng 11-time Brazilian Superliga champion Rexona Ades sa Oct. 18, sunod ang Italian powerhouse Pomi Casalmaggiore (Oct. 19), bago tatapusin ang pool play kontra Turkish side Eczacibasi Vitra Istanbul na babanderahan nina Jordan Larson at Rachel Adams ng US, Thaisa Menezes ng Brazil at Tijana Boskovic ng Serbia.