Abante Tonite Interactive

PSL bantang kumopo ng karangalan — Juico

By
81

Napili ang Philippine Superliga na 1 sa 10 finalist ng SPIA Asia para sa Best Women Sports Category na nakatakdang magdaos ng Awards Gala Night and Convention sa Nobyembre 19-20 sa Centara Grand and Bangkok Convention Center sa Thailand.

Siniwalat ito kahapon ni PSL Chairman Dr. Philip Ella Juico kasabay sa paglulunsad ng 6th All-Filipino Conference and 1st Collegiate Grand Slam sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City kahapon ng hapon.

Magbubukas ang 2-in-1 volleyfest sa Oktubre 30 sa Filoil Flying V Centre sa SJC rin na may 3 eksplosibong salpukan – Smart laban sa Sta. Lucia Realty; Petron kontra Cocolife, at F2 Logistics na sasagupa sa Cignal. Kasali rin sa women’s inter-club tourney ang reigning champion Petron at powerhouse Foton.

Abante Hiring – IT dep

“SPIA Asia recognizes those organizations that influence and make a big difference in all aspects of the sporting life in Asia,” bigkas ni Juico. “It is the Oscar Award of Sports in Asia. In honoring our women’s volleyball league, you have validated our years of honest hard work and sincere advocacy. This honor strengthens our resolve to face the many challenges before us.”

Ilan sa mga nagwagi na ng karangalan sa SPIA Asia ang Australian Open lawn tennis, Singapore HSBC Women’s Champions, United Arab Emirate Red Bull Air Race World Championships at Standard Chartered Kuala Lumpur Marathon-Malaysia.

Suportado pa rin ang PSL para sa nalalapit na torneo ng Isuzu, Sogo, Senoh, Asics, Mikasa, Mueller, UPCB Gen, Bizooku, ESPN5, Aksyon TV at Hyper at may basbas ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.