Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSL beach volleyball puwede sa bubble

0 293

Matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease na makabalik ang Philippine Basketball Association at iba pang sports leagues, inaprubahan na rin ang beach volleyball ng Philippine SuperLiga (PSL).

“Pinapayagan na rin po subject to conditions ang beach volleyball tournament ng Philippine SuperLiga sa ilalim ng sports bubble concept,” anunsyo ni Biyernes ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Laging Handa press briefing.

“Ibig sabihin po mananatili sila dun sa lugar kung saan po sila magkakaroon ng volleyball tournament,” dagdag pa ng opisyal.

Gaganapin ang three-day 6th PSL beach volleyball tourney 2020 sa Nobyembre 27-29 sa Subic Freeport. Isalan sa nagbi-beach volley sa liga bukod sa indoor volley, si Rcahel Anne Daquis, Angelique Beatrice ‘Jheck’ Dionela. at iba pa(Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.