Abante Tonite Interactive

PSL: Perry aalalayan sina Stalzer, Maraño

171

Standings W L
Petron 6 0
F2 Logistics 5 1
Cignal 4 2
United VC 4 3
PLDT Fibr 3 3
Sta. Lucia 2 5
Generika-Ayala 1 6
Foton 1 6
Mga laro ngayon:
(Muntinlupa Sports Center)
4:00 p.m. — Petron vs Cignal
6:00 p.m. — F2 Logistics vs PLDT

Nadungisan ang malinis na karta ng last year’s runner-up F2 Logistics nang yumuko sila sa kanilang huling laban kontra defending champion Petron Blaze Spikers.

Kaya nasa kukote nila ang makabangon agad pagharap nila sa mainit din ang ulong PLDT sa Philippine Superliga Grand Prix.

Solo sa second spot ng team standings ang Cargo Movers (5-1) kakalabanin nila ang PLDT (3-3) sa alas-sais ng gabi sa Muntinlupa Sports Center.

“It was such as tough loss and we have to recover as soon as possible,” saad ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus.
Muling sasandalan ng Cargo Movers si Lindsay Stalzer para kargahin ang pang-anim na panalo ng F2 Logistics, makakatulong niya ang kapwa reinforcement na si Becky Perry.

Huhugot din ng lakas si De Jesus sa kanyang local players na sina Aby Maraño, Majoy Baron at Dawn Macandili sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.