Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Psychic Warrior, Galit sa Masamang Ispiritu

0 242

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo may katotohanan nga ang mga kuwento tungkol sa genie na nakakulong sa lampara at bote. Ito’y nang gawin mismo ng isang psychic ang paghuli sa mga engkanto at ikinulong sa bote saka sinunog.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si King ng Mandaluyong ay aral sa isang psychic healer. Inamin niyang may natutuhan siyang techniques sa psychic warfare. Tulad na lamang ng pakikidigma sa mga masasamang Ispiritu tulad ng mga engkanto.

Misteryo: “Brod sinasabi mong kaya mong makipagsagupa sa mga bad spirit. Tanong ko hindi ka ba natatakot?”

Kung: “Noong medyo kabataan ko pa at wala pa kong alam sa psychic warfare ay talagang takot na takot ako sa multo o anumang ispiritu kasi inisip ko mas mahina ang tao kesa sa mga Ispiritu.”

Misteryo: “Ano ang nagpabago sa dating paniniwala mo? Pinag-aralan mo ba itong mabuti?”

King: “Oo brod kasi naisip ko hindi ito pinapansin ng tao kasi lahat naka-focus lang sa material world. Karamihan iniisip o nangangarap yumaman.”

Misteryo: “Ngayon, ano ba ang ginagawa mo para sagupain ang mga bad spirit na ito? Kailangan bang labanan mo sila agad o may chance pa na kausapin sila?”

King: “Kung ang sinasabi mong bad spirit ay yung mga itim na engkanto, wala akong patawad sa kanila, sentensyado agad sila. Sunog sila!”

Misteryo: “Paano ang ginagawa mo? Yung proseso mo?”

King: “Ganito meron akong bote na kulungan ng spirits. Pag alam kong may bad spirits sa isang place. Psychic scanning muna ginagawa ko then gagamitan ko sila ng psychic sweeping with psychic magnet. Pagkatapos nun psychic trap na sila sa bote.”

Misteryo: “Mukhang interesting ang style mo brod ah kaiba sa ibang healer. Pero bakit kailangan pang ikulong sa bottle?”

King: “Para ma-confirm ko muna kung bad spirits lahat sa loob ng bote then saka ko gagamitin ang psychic fire para matunaw sila. Ayaw ko madamay ang good spirits. May time kasi naikukulong ko din sila nang Hindi sinasadya.

Ang style ni King ay maaari ding gawin ng iba. Pero dapat well trained ang sinumang gustong maging psychic warrior dahil hindi ito biro. Nakataya dito ang kaluluwa ng sinumang nasa psychic warfare.

Para sa inyong kuwentong mga kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.