Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PTA aprub na imbestigahan ng Kamara pagsalakay sa Lumad bakwit center

0 76

Tahasang nagpayag ang Parents-Teachers Associations (PTA) sa nais ni Deputy Speaker and 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero na magkaroon ng imbestigasyon sa Kongreso ukol sa naging maharas na raid sa Lumad bakwit center sa Cebu City kamakailan.

“Kilala po namin si Deputy Speaker Romero noong araw pa. Hindi lang po ito maingay o lantad kung tumulong. He has been our partner in our projects to protect children,” pahayag ni PTA Federation (PTAF) national president Willy Rodriguez.

“‘Yun po talaga ang adbokasiya niya. Kaya yung nagsasabi na suporta daw siya sa NPAs? malabo talaga yun. Kilala ko po yan. Napakatahimik na tao pag tumulong, ‘di gaya ng ibang politiko. Kaya alam po namin na ang expose niya is malinis ang hangarin at totoo ang adbokasiya niya para sa mga bata na nasangkot sa karahasan. At menor na edad lang ang kanyang nais masagip,” pagtatapos ni Rodriguez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.