Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PTA kontra face-to-face class `pag walang bakuna

0 56

Nanindigan ang Parent Teachers Association (PTA) National Philippines na hindi pahihintulutan ang mga estudyante na pumasok sa paaralan para sa face-to-face classes hangga’t hindi pa nababakunahan ang mga ito laban sa COVID-19.

“Dapat po, totally, 100 percent [ng mga estudyante], dapat mabakunahan bago po pumunta sa school. Habang walang bakuna ang mga mag-aaral, hindi papayag ang ating mga magulang,” wika ni Dr. Willy Rodriguez, pangulo ng PTA, sa panayam sa radyo nitong Linggo.

Tutol din aniya ang PTA sa hybrid learning system kung saan may pag-aaral na gagawin sa eskuwelahan at maging sa bahay.

“Hindi pa rin kami payag sa sinasabing hybrid,” ayon pa kay Rodriguez.

Matatandaang edad 18 pataas pa lang ang pinahihintulutan ng gobyerno na maturukan ng bakuna laban sa COVID-19 sakaling dumating na ito sa bansa.(Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.