Abante Tonite Interactive

PT&T nagpasaklolo sa SC

By
177

Dumulog sa Supreme Court (SC) ang Phili­ppine Telegraph and Telephone Corporation (PT&T) para kuwestiyunin ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na nagdiskuwalipika sa kanila sa bidding para sa 3rd major telco player.

Naghain ng petition for certiorari ang PT&T sa SC noong Biyernes at inireklamo ang pagkakadiskuwalipika sa kanila sa bidding para sa 3rd major telco player.

Kinuwestiyon ng PT&T ang NTC at ang selection committee dahil sa ‘grave abuse of discretion’ nang tumanggi umanong bigyan sila ng sertipikasyon na may teknikal na kapasidad para lumahok sa bidding.