Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PTV-4, TV5 abangers sa DZMM talunan

0 493

Inaabangan na ng ibang TV network ang pag-ober da bakod ng mga talent ng ABS-CBN kasunod ng anunsyo nito na 90% mula sa hanay ng kanilang mga empleyado ang sisibakin pagsapit ng Agosto dahil sa kabiguang makakuha ng panibagong prangkisa sa Kongreso.

Sa pinakahuling ulat na nakalap sa mga kaganapan sa ABS-CBN, kinumpirma na ang sibakan sa DZMM kung saan ay tanging mga reporter lang umano ang tinira.

Dahil dito ay may ilan umanong TV network ang nagpahayag na ng interes sa serbisyo ng mga sibak na talent ng DZMM.

Ayon pa sa source ng Tonite, kumpara sa pagtanggi sa mga bigating celebrity ng ABS-CBN gaya ng komendyanteng si Vice Ganda ay handa umanong kunin ni TV-5 Chairman Manny V. Pangilinan ang serbisyo ng mga masisibak na sikat na talent ng DZMM.

Si Katherine de Castro naman na board of director ng PTV-4 ay nagpahayag umano ng interes sa serbisyo ng mga DZMM anchor na sina Tunying Taberna at Gerry Baja na kasama sa mga nasibak sa Dos.

Gayunman, nabatid sa source ng Tonite na mukhang mas napipisil ng tambalang Taberna at Baja ang TV-5 kung saan ay ipagpapatuloy nila ang katulad na takbo ng programa nila sa DZMM.

Ang isa pang tinamaan ng sibakan na si DZMM anchor Vic Lima ay sinasabing sa TV-5 din lilipat pero ikinukunsidera rin nito ang paglipat sa mga Radio station gaya ng RMN at DWIZ.

Hindi naman umano binitiwan ng ABS-CBN ang serbisyo ng kanilang mga Radyo Patrol Reporters.

Sina Ted Failon at Noli de Castro naman ay napag-alamang mananatili umano sa istasyon pero pumayag na kalahatiin ang kanilang sahod. Gayunman ay naninimbang pa umano ang TV5 lalo na’t kumpleto ang mga anchor ng mga programa ng Kapatid network bukod pa sa ayaw nila ng mga markado sa gobyernong Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.