Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PTV babangga sa GMA

0 145

Ngayong laglag na sa labanan ng mga network ang ABS-CBN, umaasa si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na maaari nang makipagkumpetensiya ang state-owned People’s Television Network (PTV) pagdating sa ratings sa iba pang channel.

Sa isang hearing sa Kamara tungkol sa budget ng PCOO, inamin ni Andanar na may plano silang makipagkumpentensiya sa malalaking network gaya ng GMA 7 para makahakot ng advertiser.

“Yes, we have a plan to at least be able to compete as far as ratings are concerned,” wika ni Andanar.

“The PTV, being a government-owned and controlled corporation, it also has to make its own money from advertisers,” dagdag niya.

Napalakas na rin aniya ng PTV ang kanilang mga news program mula umaga hanggang gabi. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.