Abante Tonite Interactive

Public holidays toll free hinirit ni Sotto

313

Isinusulong ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pagdedeklara ng public holidays toll free.

“This will ensure smooth travel through the North Expressway (NLEX) and South Luzon Expressway (SLEX) and other connecting toll highways,” saad ni Sotto.

Sa kanyang Senate Bill No. 2220, nais ni Sotto na amyendahan ang Presidential Decree 1112 o ang batas na bumuo sa Toll Regulatory Board (TRB), partikular ang Section 6 na nag-e-exempt sa mga government vehicles na may official business sa pagbabayad ng toll fee.

Abante Hiring – IT dep

Sa panukala ni Sotto, nais nyang sakupin ng batas ang lahat ng uri ng sasakyan sa tinatawag na toll holidays na ipinatutupad sa piling mga araw ng pista opisyal ng Toll Regulatory Board (TRB).

Ipinaliwanag ng senador na sa lumalaking negatibong epekto ng masikip na daloy ng trapiko, dapat na magkaroon na ng mga solusyon upang mabawasan nag bigat ng pasa-nin sa mga apektadong Filipino.

“Other than the financial losses incurred and will be incurred, traffic congestion affects one’s health, work performance and even relationships, causes pollution, road rage and accidents. Thus, it affects the quality of life in general,” dagdag ng senador.

Batay anya sa pag-aaral ng global firm Boston Consulting Group, sa Metro Manila ang ikatlong worst traffic situation sa Southeast Asia kung saan lumabas na nasa 66 minuto ang inaabot ng mga motorista at commu-ters sa trapiko.

Sa pag-aaral naman ng Japan International Cooperation Agency (JICA), nasa P3.5 billion kada araw ang nawawala sa bansa dahil sa traffic congestion sa Metro Manila at lalo lumalala ang sitwasyon sa trapiko kung saan aabot sa P5.4 billion kada araw ang mawawala sa 2035 kung walang magiging aksyon. (Dang Samson-Garcia)