Abante Tonite Interactive

Public Transport Modernization taxes, isabatas — LTOP

0 202

Hinimok ng transport group ang mga mambabatas na ipasa na ang Public Transport Modernization Taxes.

Sa ginanap na media forum sa Quezon City, sinabi ni Orlando Marquez ng Liga ng Transportasyon sa Pilipinas (LTOP), na kapag maipasa na ang nasabing batas ay hindi lang jeepney drivers at operators ang makikinabang kundi lahat ng public utility vehicles gaya ng taxi, bus, truck, UV express, vans, TNVS,school service at tricycles.

Aniya, sa Martes (August 13), ay magtutungo sila sa Kongreso at Senado upang hilingin sa mga mambabatas dahil halos dalawang taon na nilang hinihintay ang pagpasa sa naturang batas.

Paliwanag ni Marquez sa kapwa niya mga ope­rator at driver na sa kanilang pag-aaral ay 10% lang ng P400 bilyon kada-taon ng nasabing buwis ang kailangan ng programa subalit malaking ginhawa ang maibibigay nito sa mga driver at operator kasama ng kanilang mga pamilya.

Ang nasabing taxes ay manggagaling sa mga produkto na kanilang binibili gaya ng mga langis, gasolina, shares parts, battery at iba pa.

Idinagdag pa ni Marquez na napakaliit ng 10% na kanilang hinihingi subalit malaking tulong at pagbabago ang ibinigay nito sa mga driver, operator at mga pamilya nito.

Umaasa ang LTOP at mga affiliate transports group nito na pakikinggan na sila ng mga senador at congressmen sa kanilang kahilingan.

(Dolly Cabreza)