Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Publiko binalaan sa pekeng CSC opisyal

0 146

Binalaan at pinag-iingat ng Civil Service Commission (CSC) ang publiko laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na opisyal at empleyado ng komisyon.

Ang babala ng ahensiya ay hinggil sa mga report na may mga nagpapakilalang mga opisyal at empleyado ng CSC o mula sa isang “Public Complaints Center” na kumokontak sa mga government employees at iniimpormahan ang mga ito na may mga kaso silang administratibo. Para malinis ang pangalan, hinihingian nila ito ng bayad.

Inabisuhan ng CSC chief ang publiko na agad mag-report sa Office for Legal Affairs ng CSC o tumawag sa telephone numbers (02) 8931-8016 at (02) 8931-7935 local 401 hanggang 411 o mag-email sa ola@csc.gov.ph. Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.