Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Publiko inalerto ng Palasyo sa terror attack

0 33

Pinag-iingat ng Malacañang ang publiko sa posibleng pag-atake ng mga terorista.

Kasunod ito ng inilabas na babala ng Japan kung saan pinag-iingat ang mga mamamayan sa buong Southeast Asia dahil sa posibleng terror attack.

“Pinag-iingat natin ang lahat ng ating kababayan alinsunod dito sa warning na ito at sana huwag mangyari dahil dagdag na naman `yan sa ating problema bukod pa sa pandemya at mga bagyo,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pinayuhan ng kalihim ang publiko na maging alerto at mapagmasid at i-report agad sa mga awtoridad ang mga mapapansing kahina-hinala sa kanilang komunidad.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.