Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Publiko muling binalaan laban sa mga pekeng PDEA agent

0 39

Muling pinaalalahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko na maging mapagbantay laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na narcotic agents na nagsasagawa ng iligal na pag-aresto at iba pang operasyong labag sa batas.

Nilinaw ni PDEA Director General Wilkins M. Villanueva, na ang tunay na PDEA agent ay palaging armado ng ‘search warrants’ o ‘arrest orders’ mula sa korte kapag nagsasagawa ng operasyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Our operations are always coordinated with the local police and the conduct of search operations are always armed with search warrants issued by court. I encourage the public to be vigilant and report to PDEA any similar incidents involving suspicious individuals masquerading as PDEA agents,” giit ni Villanueva.

Aniya, ang mga hindi awtorisadong nakasuot ng uniporme ng PDEA o ‘insignia’ ay may katapat na parusa sa ilalim ng Revised Penal Code. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.