Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Publiko pinag-iingat ng DOH sa food poisoning

0 42

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa “food poisoning” ngayon summer season.

Ayon sa DOH, ngayon kasi ang panahon na ang mga pagkain ay mabilis na mapanis kaya dapat ihanda ito ng maayos bago kainin.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na inspeksiyuning mabuti ang anumang pagkain o inumin bago ito ihanda partikular na sa mga event para matiyak na ligtas itong kainin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinayuhan ng DOH ang publiko na magsuot ng food-grade gloves, hair net, mouth cover, i-sterilize ang mga kagamitan at iwasan ang paghahalo ng luto at hindi lutong pagkain.

Sa sandali namang makaranas nang pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae o lagnat matapos makakain, kaagad na magpakonsulta sa klinika o hospital para mabigyan ng lunas. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.