Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Publiko winarningan sa online scam

0 318

Pinaalalahanan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang publiko na maging maingat sa pagsisiwalat ng personal na impormasyon sa online lalo na ang mga mensahe na nagpapatunay sa isang pagpapadala ng mga parcels gamit ang pangalan ng postal service.

Ayon sa PHLPost, ang online scam ay ipinapadala sa pamamagitan ng mga mensahe sa isang gawa-gawa lamang na website na www.parceltrackandtracing.com na nagpapatunay sa isang umano’y pagpapadala ng electronic gadget (Apple iPhone 11) na handa na sa paghahatid gamit ang pangalan ng “PHLPost” sa mga mensahe.

Nabatid ng PHLPost na nakatanggap sila ng maraming mga katanungan at reklamo na kinasasangkutan ng mga online na mensahe na natanggap mula sa nasabing website.

Nilinaw ng PHLPost na wala sa kanilang mga sangay at kasosyo sa buong bansa ang may kasalukuyang online promos. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.