Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Puerto Galera niluwagan sa bakunadong turista

0 178

Libre nang makapamasyal sa Puerto Galera ang mga turistang fully-vaccinated laban sa COVID-19 at hindi na hihingian pa ng negatibong swab test result.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Carmela Datinguinoo, municipal administrator ng Puerto Galera, sa harap ng unti-unting pagbubukas ng turismo sa kanilang lugar.

Tiniyak ni Datinguinoo na libre ang antigen test dahil may pondong inilaan dito ang kanilang lokal na pamahalaan.

“Kapag fully-vaccinated na ang aming mga turista, hindi na po kailangan ng RT-PCR test. Bagkus, iyong mga first dose lang o iyong mga wala pang vaccine ay maaaring mabigyan ng free antigen test sa Batangas Grand Terminal.” (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.