Abante Tonite Interactive

Puerto Princesa Underground River ‘excellence hall of famer’

551

Inilagay na sa ‘excellence hall of famer’ ng Tripadvisor, pinakamalaking social travel­ website sa mundo ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP).

Binigyan ng Tripavisor website, ang PPSRNP ng excellent traveler rating ngayon­ taon.

Ibinahagi ni Jan Elmer Badilla, information officer ng PPSRNP sa Philippine Information Agency (PIA) ang impormasyon na noong Mayo 23 ang magandang balita sa ibi­nigay na pagkilala ng Tripadvisor.

Sinabi rin ni Badilla na ang (Puerto Prince­sa Underground River)PPUR ay tumanggap ng ‘traveler’s choice certificate of excellence’ kada taon mula noong 2015, hanggang maluklok na sa hall of fame.

“When we assumed into office in 2013, PPUR has been getting some negative reviews in Tripadvisor, so part of our social media strategy is to manage issues being raised there by actively interacting with PPUR web searchers on Tripadvisor,” ayon kay Badilla.

Ang nabanggit na pagkilala ay nagpapatunay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga turistang bumibisita sa underground river.

Nabatid na noong 2018, may 342, 280 local at foreign tourists ang pumunta sa PPUR.

Nitong Enero hanggang Abril, 2019 uma­bot pa sa 128,429 turista ang bumisita mas mataas sa 109,601 na bumisita sa kaparehas na panahon noong 2018. (Juliet de ­Loza-Cudia)