Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pugante balik-selda

0 69

Inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBrig. General Danilo P Macerin, na isa sa apat na preso na tumakas sa piitan ng Galas Police Station (PS 11) ang balik-kulungan na.

Ayon kay PBGen. Macerin, alas-4: 45 ng hapon nitong Linggo (January 9) ay nadakip ang umeskapong preso na si Ronald Buenafe, 34, sa pinagtaguang kamag-anak sa Purok 9, Area B, Brgy. Sta. Cruz, Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan.

SM food to go Banner Ad

Si Buenafe na may kasong pagtutulak ng iligal na droga ay naaresto ng District Tactical Motorized Unit (DTMU) sa pamumuno ni PMaj. Leonie Ann Dela Cruz at Galas Police Station (PS 11) commander PLt. Col. Elizabeth Jasmin matapos ituga ng kaniyang mga kaanak sa Bulacan.

Pinaghahanap pa ang kasama nitong pugante na sina Glenn Louie Limin; Marvin Inciong at Joel Sanchez.

Tumakas ang grupo matapos lagariin ang rehas na bakal ng Galas Police Station 11, Huwebes ng madaling araw. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.