Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pugante sa Batangas jail nadakma

0 119

Naaresto sa Valenzuela City ang isa sa siyam na sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA) na nakatakas sa Batangas Provincial Jail.

Kinilala ang naarestong pugante na si Marichu Cataguis, na may mga alyas na ‘Janrick’, ‘Jandel’ at ‘Marichu Castillo’, 40-anyos, at residente ng Brgy. Bignay, Valenzuela.

Batay sa report, naaresto ng pinagsanib na pu­wersa ng Quezon City Police District-PS 4 at 402nd B MC RMFB-Occidental Mindoro ang suspek na may mga kasong murder, theft at multiple frustrated murder sa bisa ng arrest warrants na inisyu ni Judge Jose Jacinto Jr. ng San Jose Regional Trial Court sa Occidental Mindoro.

Sa imbestigasyon, si Cataguis ay isa umano sa siyam na miyembro ng NPA na nakatakas mula sa Batangas Provincial Jail na matatagpuan sa Brgy. Cuta, Batangas City noong Enero 14, 2006.

Sila ay naitakas ng humigit-kumulang 40 mi­yembro ng NPA na armado ng matataas na kalibre ng baril at nagbalat-kayo sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme ng PNP-SWAT.

Nagpanggap umanong PNP-SWAT team ang mga NPA at sinabing ililipat ang mga preso suba­lit nang makapasok ay sinalakay ang piitan, hinalughog ang taguan ng mga armas, saka itinakas ang siyam nilang kasamahan, kabilang si Cataguis. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.