Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pugante sa Galas, balik -selda

0 51

Balik-kulungan ang isa sa natitira pang dalawang pugante na nakatakas sa detention facility ng Galas Police Station 11 (PS-11) noong nakaraang buwan nang makorner ng operaiba ng Quezon City Police District (QCPD), Linggo ng hapon.

Ayon kay QCPD Director PBGen Danilo Macerin, kulong uli si Joel Sanchez, 38, taga-96 ROTC Hunters, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Sa ulat ng QCPD, alas-2:30 ng hapon (February 14) nang maaresto ang pugante sa 51 Countryside St., Sta. Lucia, Pasig City ng tracker team ng PS 11, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Elizabeth Jasmin at sa tulong ng mga local na awtoridad ng Pasig City.

Agad namang itinurn-over ang pugante sa Criminal Investigation Section (CIS) para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Matatandaang Enero 7, 2021 nang makatakas ang apat na bilanggo mula sa piitan ng PS-11 sa pamamagitan nang paglagare sa bakal na rehas ng kanilang selda. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.