Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Puganteng dayuhan nakorner sa Taytay

0 248

Di na nakapalag pa ang isang Pakistani-Japanese national na wanted dahil sa umano’y pagpatay sa isang Pakistani, apat na taon na ang nakakaraan nang damputin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente, ang dayuhan na si Muhammad Sattar Yamamoto, 53, na hinuli noong Martes sa tirahan nito sa Bgy Muzon, Taytay, Rizal ng pinagsanib na puwersa ng BI Fugitive Search Unit’s (FSU) at operatiba ng Batangas Provincial Police Office.

Ayon kay Morente, naglabas siya ng mission order laban kay Yamamoto upang arestuhin at mai-deport dahil na rin sa kahilingan ng Pakistani government upang papanagutin sa pagpatay sa isang Arsian Younis, na isang Pakistani.

Nangyari ang insidente noong Marso 27, 2016 nang patayin ni Yamamoto at anim na iba pang armadong suspek ang biktima dahil sa isang pag-aaway sa negosyo. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.