Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Puganteng drug lord tsupi sa PH

0 238

Ni Nancy Carvajal

Matapos ang ilang ta­ong pagtatago sa Pilipi­nas ay ite-turnover na sa mga awtoridad sa Aus­tralia si Yaacov Amsa­lem, isang French-Israeli national, na tinuturing na ‘high-value interna­tional drug lord and fu­gitive,’ ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

“Amsalem will be fi­nally turnover to Austra­lian Police after fighting his deportation since the time he was arrested in 2014,” banggit ng NBI source sa Tonite.

Si Amsalem, na ti­nukoy ng Australian authorities bilang isang ‘high-value drug lord’, ay wanted sa nasabing bansa dahil sa ilang kaso ng iligal na droga, kabi­lang na ang umano’y pa­mumuno sa isang drug syndicate.

Ang nasabing French-Israeli national na dineklara ng Interpol bi­lang isang international fugitive ay nagtatago sa ‘Pinas kasama ang mga dating sundalo bilang kanyang mga body­guard, pagbabahagi ng source.

Kasama ni Amsalem ang isa niyang body­guard nang arestuhin siya ng mga ahente ng NBI-Interpol sa isang bar sa Makati City, higit pitong taon na ang naka­lilipas.

Sa panahon ng kan­yang pagkakadakip ay nagtatago na umano si Amsalem sa Pilipinas nang lampas apat na taon at nakatakdang bumalik sa China kung saan ito nakatira.

“His presence in the country was tipped off by the Australian Police,” dagdag ng NBI source.

Saad pa ng source, isang military reservist ang inaresto sa loob ng NBI compound nang sinu­bukan nitong magpuslit ng cocaine at marijuana, na nakasiksik sa apat na canister ng potato chips, nang minsan nitong bisi­tahin si Amsalem.

Tinuro naman ng re­servist ang isang mula sa Jewish Shabbat Center sa Makati na inutusan umano siyang magdala ng pagkain kay Amsa­lem.

Leave A Reply

Your email address will not be published.