Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Puganteng Koreana sa investment scam, tiklo

0 63

Inaresto ng operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Koreana na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa million-dollar investment scam.

Hinuli ng pinagsanib na puwersa ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI at awtoridad ng Korea si Soung Young Ho, 51, sa Bgy. Anunas, Angeles City, Pampanga.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si Soung ay pababalikin sa kanilang bansa dahil sa pagiging undesirable alien at pagiging wanted nito.

Sinabi pa ni Morente na si Soung ay kasama sa Interpol red notice at ang kanyang pasaporte ay kinansela na ng Korean government dahilan ng kanyang pagiging undocumented alien.

Sa impormasyon, June 2015 nang lokohin ni Soung ang kanyang mga kababayan ng mahigit US$1.1M matapos mamuhunan sa isang casino business na mag-ooperate sa Clark Field, Pampanga. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.