Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Puganteng Koreano pumuslit sa `Pinas

0 119

Dinampot ng mga tauhan Bureau of Immigration (BI) ang isang takas na South Korean na wanted sa Seoul mula noong nakaraang buwan.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Lee Hoonhee, 47, na nadakma Huwebes sa Bgy. Pampang, Angeles City, Pampanga ng Fugitive Search Unit ng BI.

Sinabi ni Morente na nagpalabas siya ng mission order sa pagdakip kay Lee dahil na rin sa kahilingan ng South Korean embassy matapos babaan ng warrant ang suspek mula sa Incheon district court noong Dec. 23, 2020 sa kasong attempt to instigate murder.

Sa record, ang suspek ay kumuha ng dalawang hired killers upang patayin ang kapwa Koreano na pinagkakautangan nito ngunit sumablay ito. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.