Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pugot na katawan bumulaga sa damuhan

0 80

Natagpuan ng mga awtoridad ang pugot na katawan ng isang lalaki sa isang damuhan sa Brgy. Tahing, Calinog, Iloilo.

Ayon sa report, Linggo ito natagpuan at nagsisimula nang maagnas.

Sinabi ng Calinog PNP na ang mga residente ang unang nakakita sa pugot na katawan sa masukal na bahagi ng nasabing lugar. Hinanap kasi nila umano kung saan nanggagaling ang mabahong amoy.

Nang makita ang labi ay saka nila ito agad ipi­nabatid sa mga kawani ng barangay at sa pulisya.

Sa hindi naman kalayuan na lugar natagpuan ang ulo ng yumaong lalaki.

Sinabi ng mga imbestigador na nakamaong na pantalon ang biktima pero walang pang-itaas.

Tinatayang nasa edad 40 hanggang 50-anyos ang biktima. Hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nakikilala.

Naniniwala silang dayo lang ito dahil walang nakakakilala sa biktima sa nasabing lugar. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.