Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pugot na kelot sumambulat sa Baclaran

0 128

Isang bangkay ng lalaki na pugot ang ulo ang natagpuan sa gilid ng ilog sa Sitio Maligaya sa Baclaran, Parañaque City.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at kung kaugnay ito sa ulo na ulo na natagpuan naman nitong Lunes na palutang-lutang din sa ilog sa bahagi ng Electrical Road, Pasay City.

Alas-5:30 Miyerkoles ng hapon nang madiskubre ng mga residente ang bangkay matapos umalingasaw ang nabubulok na amoy. Noong una ay akala nilang basura o patay na hayop lamang ang naamoy ng mga reisdente subalit nang iangat isa ilog ang pinaglalagyan nitong sako ay tumambad sa kanila ang bangkay.

Ayon naman kay Barangay Chairman Jun Zaide, pinaniniwalaang salvage victim ang biktima dahil bukod sa pagpugot ng ulo nito ay binalatan pa umano ang ilang bahagi ng katawan nito at tila tinanggalan pa ng lamang loob.

Mayroon ding tatoo ang biktima na nakapangalang ‘Angel’ at ‘Dela Cruz’. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.