Abante Tonite Interactive

Pugot na ulo biglang sulpot sa condo

192

Mga ka-Misteryo isang kuwentong karanasan ang paksa natin ngayon na sa tuwing alas-tres nang mada­ling-araw ay binubulabog ng multo.

‘Basta may Misteryo, alamin ang totoo!’

Madaling-araw na kung makauwi sa kanyang condo unit sa Makati si Steve.

Pagdating niya ng alas-dos nang madaling-araw ay nagsasaing na siya para makakain.

Habang hinihintay na maluto ang kanin ay relax muna siya sa panonood ng TV pero pagsapit ng alas-tres nang madaling-araw ay biglang may nangangalabit sa kanya pero hindi niya nakikita. Noong una ay medyo takot siya pero ka­tagalan ay sanay na siya.

Pero nu’ng madaling-araw na ‘yun ay nagulat siya at medyo nanghilakbot nang may biglang sumulpot na pugot na ulo sa tapat ng kanyang lutuan.

Ipinagtapat ni Steve sa #TeamMisteryo ang kanyang nakita.

Team Misteryo: “Natakot ka ba? Anong reaksyon mo nang makita ang pugot na ulo?”

Steve: “Kinabahan ako pero hindi ako natakot. Medyo natawa at nainis ako kasi biglang sulpot sa ibabaw ng lutuan ko.”

Team Misteryo: “Anong ginawa mo? Tinapos mo ba niluluto mo?”

Steve: “Natigil ako, pinagsabihan ko ang multong ulong pugot na ‘wag siya mang-istorbo.”

Team Misteryo: “Ha ha pinagalitan mo ang multo?”

Steve: “Oo nainis ako eh gutom na gutom ako. Then na-realize ko baka siya ‘yung laging nanga­ngalabit sa akin tuwing dumarating ako sa unit ko.”

Team Misteryo: “Bakit pugot ang ulo?”

Steve: “Nu’ng makita ko siya mukhang ‘yung ulo lang niya ang nakalusot sa unit ko at ‘yung katawan niya nasa kabilang unit, ewan ko lang kung bakit hindi siya makatagos sa unit ko. After nun, nasanay na ko sa kanya hindi naman siya hostile.”

Ang karanasan ni Steve ay maaaring mangyari rin sa iba. At sa kanyang karanasan, Hindi lahat ng multo ay nakakatakot.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsiba­yan.com at abante.com.ph.