Abante Tonite Interactive

Pula para sa Puso

205

Mahilig ka ba sa mga mapupulang pagkain? ­Pinapapak mo ba ang kamatis, ubas, at strawberries?

Tila totoo ang kasabihang “an apple a day keeps the doctor away”. Ayon sa mga pag-aaral, nakaiiwas sa lung cancer at sa Alzheimer’s disease ang mahilig sa mansanas. Mabuti rin daw ang pulang balat nito na may pectin na nagpapababa ng bad cholesterol level.

Isa lang ang pulang mansanas sa mga ­mapupulang pagkain na nakabubuti sa puso, ayon mismo sa ­American Heart Association.

May proteksyon din laban sa heart disease ang mga taong sagana sa pagkain ng kamatis. May ­lycopene ang kamatis na isang powerful antioxidant. Mayaman din sa potassium at vitamin C ang kamatis kaya mas heart-healthy ang appeal.

Mabuti rin sa puso ang strawberries. Mataas ang strawberries sa antioxidant, ­Vitamins B at C, pati potassium na kailangan sa normal na pagtibok ng puso.

May benepisyo rin sa puso at ugat o blood vessels ang pulang pakwan. ­Pinatataas ng pakwan ang lebel ng arginine sa ating katawan. Ang arginine ay naco-convert sa nitric oxide, isang kemikal na nagpapa-relax at nagpapabuka sa ating mga ugat. Kaya malaki ang maitutulong nito para makaiwas sa stroke at heart ­attack.

Mayaman din sa ­lycopene ang ­siling pula. Good source ito ng Vitamins A at C na malaki rin ang naitutulong para mapa­ngalagaan ang puso. May potassium din ito na nagpapababa sa blood pressure kaya iwas heart disease.

Nagpapataas naman ng good ­cholesterol ang pulang ubas na may taglay na flavonoids, quercetin at resveratrol. Pinipigilan din nito ang pagbuo-buo ng platelets sa dugo para hindi magbara ang ugat.

Dahil gawa rin sa ubas at may taglay na resveratrol ang red wine, mabuti rin ito sa puso. Pinapataas ng resveratrol ang good cholesterol at pinapababa ­naman ang bad cholesterol. Pero hinay-hinay lang din sa pag-inom ng red wine.

Ang sa akin lang, laging tandaan na lahat ng bagay basta sobra, ­nakasasama. Importante pa ring komunsulta sa eksperto para sa tama at wastong pagkonsumo ng mga mapupulang pagkain.