Abante Tonite Interactive

Pulikat tiniis ni Miranda; JRU alpas sa AU

256

Tiniis ni Agem Miranda ang sakit ng pulikat upang akbayan ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa unang panalo tapos pasabugin ang Arellano University Chiefs, 80-77 Biyernes ng hapon sa 95th NCAA men’s basketball tournament elims sa FilOil Flying­ V Center, San Juan.

Salpak ng panelyong tres sa bandang gilid si Miranda upang makatikim ng panalo ang Kalentong-based squad Heavy Bombers sa apat na laro, kasabay sa pagsalya sa biktima sa 0-3

Kumayod si Miranda ng career-best 25 points sa likod ng 10-of-17 shooting. (Elech Dawa)