Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis, 2 binatilyo nanghuli ng paniki nasakote

0 67

Bistado ang isang pulis at dalawang menor de edad sa iligal na panghuhuli ng mga paniki sa isang barangay sa General Santos City.

Kinilala ang mga suspek na si S/Sgt. Ibañez Faldas, 33-anyos, miyembro ng Polomolok Municipal Police Station sa South Cotabato at sina alyas ‘Kyle’, 17, at ‘Carlo’, 15.

Nahuli ang tatlo na dala-dala ang 59 malalaking flying fox ng mga tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) bandang alas-2:00 ng hapon noong Hulyo 18, sa Purok Guadalupe, Brgy. Conel.

Nalaman ang iligal na aktibidad ng mga suspek sa tip ng mga concerned citizen sa CENRO.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang malalaking flying fox ay kabilang sa mga critical fruit bat species.

Samantala, maliban sa mga paniki, nakumpiska rin umano mula sa mga suspek ang isang 12-gauge shotgun at anim na motorsiklo.

Kakasuhan ang tatlong suspek ng paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Nasa kustodiya na ng Police Station 4 sa Barangay San Isidro si Faldas habang dinala ang dalawang minor sa Bahay Pag-Asa sa Brgy. Sinawal. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.