Abante Tonite Interactive

Pulis, 2 pa kulong sa nakaw na motorsiklo

250

Swak sa piitan ang isang aktibong pulis at dalawa nitong sinasabing kasabwat sa pagnanakaw ng motorsiklo sa entrapment operation sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, Police Brig. Gen. Ronnie S. Montejo, ang suspek na si Police Corporal Michael Dela Cruz, 27, ng Caloocan City at nakatalaga sa Novaliches Police Station 4.

Kasamang nadakip ang mga sinasabing kasabwat nitong sina Allan Hermosa, 37, ng Camarin Caloocan City, at Carlito Felicitas, 32, ng Malaria, Caloocan City. Sila ay positibong kinilala ng biktimang si John Ernie Abelardo, 27, ng Binangonan.

Una dito, humingi umano ng police assistance ang biktima nang makita niyang ibi­nibenta ang mga spare part ng kanyang motor na naka-post sa social media site ni Hermosa, na ikinaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang spare part ng 2005 mo­del, asul na Suzuki Shogun motorcycle (No. XI3656). (Dolly ­Cabreza)