Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis, 2 pa tulak tumakas sa Rizal

0 264

Pinaghahanap ng Taytay Municipal Police ang isang high value individual na kilalang drug pusher ng illegal na droga, isang pulis at isa pang kasabwat matapos tumakas at magpaputok ng baril sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Muzon, Taytay, Rizal.

Nakilala ang mga suspek na sina Edward De Vera, PSSg. Jerich Jordan at isang hindi pa kilalang kasabwat.

Batay sa imbestigasyon ng Taytay PNP, nagsanib puwersa ang mga operatiba at isinagawa ang buy-bust operation sa pakikipag-ugnayan ng laban sa mga suspek na sakay ng pulang Honda CRV na may plakang ZJH- 797 alas-3:20 Huwebes ng hapon sa kahabaan ng J. De Leon Street ng nasabing barangay.

Ayon sa report, nakatunog ang mga suspek na pulis ang nakatransaksyon nila kaya agad nagpaputok ng baril ang driver nito at agad na pinaharurot ang kanilang sasakyat at pumasok sa loob ng Aurora Subdivision, Angono, Rizal kung saan na corner ang tatlo sa Avocado Street saka muling nagpaputok at tumakas.

Narekober sa inabandonang sasakyan ang isang PNP Individual Performance Scorecard ni PO3 Jerich C Jordan na may badge number 186778; Land Bank ATM card, dalawang bundle ng pekeng P1000 peso na nagkakahalaga ng P200,000.00 na ginamit bilang boodle money; at limang plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 26 gramo.

Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya laban sa mga suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.