Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis, 7 pa swak sa carnapping

0 72

Walo katao, kabilang ang isang pulis, ang inares­to ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa dalawang araw na anti-carnap­ping operation sa Pasay City.

Ayon sa NCRPO, dalawa sa mga suspek ay ki­nilalang sina Arman Estanol at Jon Marvin Toledo na naaresto noong Setyembre 3 ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division Anti-Carnapping Task Group at ng Region 4A.

Nakuha ang dalawang Mitsubishi Expander na may pekeng dokumento.

Apat na iba pa, sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Michael Salinas, Edwin Justo, Bern Bryan Pingol, at Arnold Aron ang inaresto na rin sa opera­syon sa isang gasoline station sa Macapagal Avenue.

Narekober ang KG9 submachine gun na may magazine na 15 na 9mm bullets, isang spare maga­zine, glock 19 9mm pistol na may mga bala, isang roni kit sa 99mm glock, isang glock 17 9mm pistol na may mga bala at Mitsubishi Expander, Honda City at pekeng NBI IDs at emblem.

May dalawang ibang naaresto na sina Enrique De Guzman at Fernando De Guzman sa follow-up op­eration noon namang Setyembre 4.

Nasamsam ang isang Toyota Alphard, black Hum­mer H3, at pinekeng mga dokumento. Hindi naman sinabi kung magkaanak ang dalawa. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.