Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis abala sa pictorial napisak ng 10-wheeler

0 107

Pisak ang katawan ng isang tauhan ng Cainta Municipal Police matapos mahagip ng 10-wheeler truck habang nagse-selfie sa kalsada, kamakalawa ng umaga sa Tanay, Rizal.

Kinilala ni P/Lt. Col. Resty Damaso, hepe ng pulisya, ang biktima na si P/Cpl. Kirk Dauglas Tolentino, nakatalaga sa Cainta Municipal Police Station.

Kinasuhan naman ng reckless imprudence resulting to homicide at damage to property ang suspek na si Dante Yarcia Sarmiento, nasa hustong gulang, drayber ng 10-wheeler cargo truck.

Sinasabing nakuhanan ng shabu paraphernalia ang loob ng nasabing trak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa imbestigaston ng Tanay Police, bandang alas-7:30, Sabado ng umaga, nang mangyari ang aksidente sa kurbadang bahagi ng Sitio Bayucan, Barangay Sampaloc, Tanay.

Nabatid na nagse-selfie ang biktima dahil sa magandang overlookin­g view nang bumulaga ang trak at masapol ang biktima.

Sambit naman ng driver, nawalan siya ng preno nang mag-overtake sa kurbadang bahagi pababa sa lugar at hindi niya inaasahang matatamaan ang biktima.

Kasalukuyang nakakulong si Sarmiento sa Tanay detention cell habang inihahanda ang mga kaukulang kaso sa kanya. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.