Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis, asset bulagta sa drug bust

0 128

Patay ang isang pulis habang kritikal ang kasama niyang police asset matapos barilin ng drug suspek na kanilang ino-operate Linggo ng gabi sa bayan ng Consolacion, Cebu.

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Staff Sgt. Careby Clyde Alinsug, nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Consolacion Police Station, na nagtamo ng mga bala sa katawan. Kritikal naman ngayon ang kasama nitong umano’y police asset na si Gibson Tibon, na nagtamo din ng mga bala sa katawan.

Samantala, napatay naman sa follow up operation ng pulisya, nitong Lunes ang suspek na nakilala lang sa alyas Tatski.

Sa ulat ni Police Major Jude Librando Cabrero, acting chief of police ng Consolacion Police Station, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi sa Barangay Casili ng nabatid na bayan.

Aktong nagtutulak ng shabu si Tatski at kasama nito nang sugurin nina Alinsug at Tibon.

Habang papalapit ay naunahan silang bunutan ng baril ng suspek at pinagbabaril ang dalawa saka tumakas.

Kinumpirma naman ni Police Major Renz Talosig, hepe ng Mabolo Police Station na napatay ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Tatski sa naganap na engkwentro sa Sitio Tarcom, Barangay Lahug sa Cebu City alas-8:30 ng umaga nitong Lunes. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.