Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis ‘asset’ sa McDo shootout galing preso

0 115

Inaalam ng National Bureau of Investigation(NBI) kung papaano nakalabas ng kulungan ang sinasabing `asset’ ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakasama sa operasyon bago nagkaroon ng misencounter noong Pebrero 24 sa may Commonweath, Quezon City.

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, base sa nakuhang operation report, ang asset na ginamit na si Jonaire Decena ay nakakulong noon pang Enero dahil sa kaso ng iligal na droga.

Aalamin umano ng NBI kung papaano nailabas sa kulungan at napasama sa operasyon si Decena.

Nakita sa CCTV na lumapit sa sasakyan si Decena pagkatapos ay nakita itong tumatakbo palayo.

Ayon kay Lavin, aalamin nila kung may iba pang personalidad na dawit sa nabanggit na operasyon.

Isinasailalim ngayon sa digital examination ang cellphone ni Decena. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.