Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis binentahan ng shabu ng titser

0 209

Buking ang iligal na aktibidades ng isang titser nang makorner ito sa isinagawang drug bust, Martes ng gabi sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Ang suspek ay kinilala ni Police Regional Office 5 spokesperson, Maj. Maria Luisa Calubaquib na si Tirzo Rolando Duran, ng Barangay Sto. Domingo. Nasamsam sa suspek ang aabot sa halagang P1.7 milyon ng shabu.

Di na ito nakapalag nang ma-trap sa isinagawang bentahan ng droga matapos magpanggap na buyer sa nasabing guro ang isang undercover police agent bandang alas-8:50 ng gabi.

Nakumpiska sa suspek ang ilang sachet ng shabu at P75,000 marked money.

Leave A Reply

Your email address will not be published.