Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis binoga driver na alaskador

0 53

Sugatan ang 37-anyos na lalaki nang barilin ng isang pulis nang nagkainitan matapos sitahin ng huli ang istilo ng pagmamaneho ng biktima sa Gen Trias City, Cavite.

Ginagamot sa Gen Trias City Hospital ang biktimang si Romeo Saul Jr., habang kinilala ang pulis na si P/CMSgt Homer Subagan Arcano Jr., nakatalaga sa DIPO Western Mindanao.

Sa ulat ni P/SSgt. Cristopher Dumlao ng Gen Trias City Police Station, alas-4:50 Sabado ng hapon nang naganap ang insidente sa kahabaan ng C.M. Delos Santos Avenue kung saan kapwa binabagtas ng dalawa ang lugar patungo sa direksiyon ng Manggahan, ang biktima, sakay ng kanyang Honda BR-V na habang ang pulis na minamaneho ang kanyang motorsiklo.

Napansin umano ng pulis ang tila mapang-asar na istilo ng pagmamaneho ng biktima kaya binusinahan nito upang tawagin ang atensiyon ng driver. Tumigil naman ang kotse saka nag-u-turn at hinarap ang pulis.

Ibinaba ni Saul ang salamin ng kanyang kotse habang nakatutok ang baril sa pulis. Dahil sa pangamba ng panganib, pinaputukan umano ni Arcano ang biktima na nagresulta sa sugat sa katawan at isugod sa ospital. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.