Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis buking na galamay ng Abu Sayyaf

0 127

Bagsak sa kamay ng Philippine National Police (PNP) ang isa nilang kabaro na natuklasan nilang miyembro din ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) matapos itong maaresto sa lalawigan ng Zamboanga.

Sa press briefing kahapon sa Police Regional Office (PRO) 9 sa Zamboanga City, iprinisenta ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang suspek na si Masckur Adoh Patarasa alyas Makong at Omair Sali Taib.

Si Patarasa ay miyembro ng PNP at isa rin umanong finance at logistics liaison officer ng Dawla Islamiya at ASG, at kasali sa Martial Law Arrest Order No. 1 noong 2917 Marawi siege.

Si Patarasa ay sinasabing bayaw ng napatay na Abu Sayyaf Leader Isnilo Hapilon.

Naaresto ang suspek nitong Biyernes ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Isabela City sa Basilan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumabas sa imbestigasyon na binalak ni Patarasa na magpadala ng pondo sa mga ASG member na lumalaban sa Marawi.

Napag-alaman din na taong 2015 nang sumapi sa PNP si Patarasa, na aktibong non-uniformed personnel sa Banguingui Municipal Police Station sa Sulu.

Ayon kay Eleazar, hihigpitan ang pag-screen sa mga aplikanteng papasok sa PNP.

Patuloy pang inaalam ng pamunuan ng PRO 9 kung may iba pang mga kasabwat sa loob ng PNP si Patarasa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.