Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis buking sa ninenok na narra

0 38

TIMBOG ang isang pulis at dalawa nitong tauhan matapos maaktuhang nagpupuslit ng kahoy ng narra sa isang checkpoint sa national highway ng Barangay District 3, San Manuel, Isabela noong Martes.

Kinilala ni San Manuel Police Station commander P/Maj. Jose Torrijos ang suspek na sina P/Staff Sgt. Clifford Tega, nakatalaga sa 1st Police Mobile Force Company, Pampanga, Purok 3, Bulanao, Tabuk City, Kalinga at tauhan na sina Domingo Fernandez, 44, at Vic Natar, 46.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon, ayon kay Torrijos, habang nagsasagawa ng random checkpoint sa kanilang lugar ay pinahinto nila ang close truck ng mga suspek.

Nang biripekahin ang laman, dito na tumambad ang mga tablon ng narra.

Ayon sa hepe ng pulisya, walang maipakitang papeles ang mga suspek. Sinubukan pa umanong suhulan ng P30,000 ni Tega ang mga humuli kaya pinosasan na kasama ang dalawa pa. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.